Sunday, August 16, 2009

Alay as Sugatang Sundalo

(This is a piece written by one of the engineers from our company, who is also a nationalist and a passionate speaker. He delivered this in an event last July 22 honoring disabled Filipino soldiers and a tribute to Apolinario Mabini. For a change, it is in honor of the pawns in our military defense. They who sacrifice their lives for a thankless job and a thankless people. A look into the day to day reality that these people have to go through to, to protect and to serve. Somehow reminds me of Aquinos honor guards who were rightly commended)



Alay as Sugatang Sundalo

(Ni Engr. Pedro Antonio V. Javier bilang Apolinario Mabini)


Ang nais ng Katipunan nung ito’y buo pa,

ay di lang palayain ang bayan, mula as Kastila

Kundi baguhin din ang moralidad ng bawat Pilipino

Bilang paghanda pag kalaya’ay natamo,

Ang kapangyarihang makukuha ay magamit ng wasto

Subalit di pa man nakakamit ang kalayaay nagwatak na ang Pilipino.

Nung manalo si Aguinaldo laban kay Bonifacio,

Ang mga kurakot, mga kampi ng kastila,

mga matalino‘t subalit masasamang tao, ay naibalik as pwesto!

Kayat natalo man ang kastila, pero ang tunay na kalayaan, ay di parin natatamo

Ngunit, as kabila ng lahat, ang pinagtataka ko

May nakikita parin akong pag-asa as mga Pilipino

Ito’y dahil as mga mabubuting taong tulad nyo.

Ang taong tulad nyo, as kabila ng pagiging salat as yaman,

walang malalaking bahay, o magagarbong sasakyan

Ang iba’y di mapag-aral ang anak as pribadong paaralan

Nanaisin paring maglingkod bilang kawal ng bayan

Habang ang ibang ama’y nasa piling ng kanlang mahal as buhay

Tuwing Father’s day, Valentines o kaya’y Pasko

Kayo naman, ay narito, nasa foxhole o nasa campo

Nagmamasid baka may kalaban,

nagbabantay ng kapayapaan

Di man ito napapansin ng taong bayan.

Pagmay bagyo, lindol o anumang sakuna

Sa rescue operation kayo pangay kasama

Bakit, ang mahal nyo as buhay, di ba nasalanta?

Uunahin pa ang Bayan, kaysa sariling pamilya

Naalala nyo pa ba nung kayo’y tawagin

Report up for duty, dapat ngayon din!

Ika’y padadala as Mindanao at iba pang bulubundukin

Maraming kalaban ay iyong sasagupain

Iyong paalam, “Anak magpakabait ka

Lagi kang mag-aaral at sundin ang iyong ina”

Wika ng anak:Itay wag kanang umalis pawang awa mo na

Manood nalang tayo ng “Zoro” at “Tayong Dalawa”


(from here nag adlib ako: “Nanonood ba kayo ng “Tayong Dalawa”? Si Dave at saka si JR?” The audience smiled, “Buhay pa nga yung kapatid nila eh., sino nga ba yun?” Mayroong sumagot as mga sundalo, at sabi “Si Ramon!” (Uy updated sila ah… nanonood ng tele serye, he-he), the audience began to laugh including the Chief of Staff, but I have to cut & continue my speech….)


Dumating na ang Labanan, nagsimula na ang putukan

Isa, dalawa tatlo, patay ang kalaban

At biglang “BANG!”, ika’y tinamaan

Bumagsak as lupa, duguang katawan

Dyos ko, pamilya ko’y wag nyo sanang pabayaan

Sa labanan taya nyo ang inyong buhay

Paggawa ng tungkulin, isang pa’ay nasa hukay

Ilang beses man kayong masugatan.

Di nyo ito pinagsisisihan.

Babalik parin as labanan,

Manatili lang ang kalayaan.

Ang sundalong sugatan,

Umi-ibayo ang tapang!

Ang tanong ko, bakit nyo ito ginagawa

Wala namang kapalit na salapi?

Pagkat naniniwala ang mga taong tulad nyo

Na ang kabutihan ay di nabibili.

Ang mga nabanggit kanina ni Heneral Albano

na magandang bagay as aking pagkatao

Ay higit parian ang aking nakikita sa inyong mga puso

Kaya’t kinararangal ko….., KAYO!


Mabuhay ang Sugatang Sundalo!

Mabuhay ang Kawal Pilipino!

No comments:

Post a Comment